Munting Pangarap

“tila tagalog na bersyon ng isang tula ko tungkol sa tulog. Nauna itong isulat subalit parehong-pareho ang pagkakataong sinapit”

(April 18, 2007)

Paikot-ikot

Katawang Kulubot

Katawang diretso

Parihabang hantungan

Parang bangkang papel

Napalaot sa dagat

Pag-iisip na nahapo

Kaluluwang nalumbay

Munting pangarap

Tahimik na humimlay

Sa bawat pikit

Kulog na kalabit

Alay nitong kapalit

Tulog na ipinagkait

Pinilit makamit

Ngunit sawi

Sa bawat saglit

Leave a Reply