Palabas
Saturday, November 24th, 2007“Isang gabing puno ng awitin at sayawan”
(November 25, 2007)
Tala’y kumikinang
Sa madilim na bulwagan
Tinta ng awit kumulay
Sa lona ng buhay
Bahagharing lapian
Ginhawa sa pagod na isipan
Napalaot na tinig lumakbay
Sa karagatan ng kalayaan
Itong bandila ng damdamin
Pumiglas sa kadena
Malayang haharapin
Ang sumpa ng kasaysayan
Harana ng buwan liwanag
Sa gabing nagdaramdam
Mga puso’t damdamin
Kaluluwang nagkaisa
Taas kamay sa pag-pugay
Sa paraiso nitong alay
(Ika-anim na anibersaryo ng Xaymaca)