Ang Dulo Ng Aklat
Monday, June 18th, 2007“Sa ating buhay lahat ng bagay ay mayroong katapusan”
(June 18, 2007)
Itong aklat na aking binasa
Gunita ko na ang pahina
Kung saan hahantong
Ang kabanata ng katapusan
Nais kong buksan muli
Kung saan umpisa ang lahat
Sapagkat ano man ang kahinatnan
Mayroon mang pait at pasakit
O walang hanggang kaligayahan
Itong kwentong taglay
Wakasan pa rin ang hahantungan
Sa aking puso’t damdamin
Nais kong balikan ang mga sandaling
Sumibol ang magagandang simulain