Archive for March, 2007

Ang Buhay Ay Parang Djembe

Wednesday, March 21st, 2007

“Ang djembe ay isang instrumentong membranophone – tambol - na nagmula sa kanlurang aprika”

(March 21, 2007)

Djembe, djembe

Ang buhay ay parang djembe

Susunod sa agos ng musikang likha

Maraming pagsubok na mararanasan

Sa mga pagkakataong sintunado

Ang iyong landas na tinatahak

Djembe, djembe

Paluin ng malakas ang djembe

Isigaw ang nais ng damdamin

Hayaang sumanib sa kamay

Ang kaluluwa ng iyong kalooban

Djembe, djembe

Pasayawin sa balat ng djembe

Ang mga daliring nasasabik

Ipikit ang mga mata’t isipan

Ang awit ng puso’y kusang sisibol

Djembe, djembe

Kumpas ng mga karanasan

Umuugong sa bawat gulong

Sa bawat hakbang ng iyong lakbay

Himig ng isip ibunyag na

Djembe, djembe

Iba-ibang tunog mula sa djembe

May ingay ng pait, galit at poot

Mayroong ungal ng ligaya’t tagumpay

Minsan mahinanon na bulong ng kapayapaan

Immortals, This Within Our Minds We Think

Wednesday, March 14th, 2007

“Let us take care of mother nature. The supplies she provides is not endless”

(March 14, 2007)

Be cautious my being

The hands of time circle unnoticed

Care we must pledge on our borrowed take

A thousand gratitude we must make

Nature seems to be unchanged

Provisions for the populace remain

In liberty we take up space

This within our minds we think

Blinding isn’t it

The way we speak of ourselves

Of a higher class we say we belong

This within our minds we think

For the great many our genius we spare

In hope of better lives we all care

Stop at nothing to exploit the endless reserve

This within our minds we think

We are not immortals

So is our mother who provides

While our earthly bodies can

Let us do our paramount efforts

Help preserve the blessings she confer

Take what we need, replace what we take

Make certain that what we enjoy today

Our children’s children will take pleasure in too

Naririyan Na Ang Ulan

Wednesday, March 14th, 2007

“Huling nailathalang tula tungkol sa ulan, ngayon panahon na ng tag-init”

(September 21, 2006)

Naririyan na ang ulan, sigaw ng karamihan

May pangambang tunog mula sa lalamunan

Sa aking isipan, bakit ito kinakatakutan

Isang katanungan laging binabalik-balikan

Sa tuwing tubig sa langit nagbabagsakan

Sa karamihan dala nito’y kalungkutan

Para sa iba, ito’y kamalasan

Ang ilan sabi’y dulot nito kamatayan

Parang mahirap paniwalaan ang tingin sa ulan

Isang sumpa, kumikitil at dapat paghandaan

Sa aking karanasan, ibayong saya

Pakiramdam na ka’y ginhawa

Ligayang sadyang kakaiba

Naghihintay ng paliwanag

Naghahanap ng kasagutan

Bigyang pansin itong aking tawag

Sapagkat habang ako’y narito’t nakangiti

Ang iba’y naghahanda sa pagdating ng ulan