Archive for November, 2006

Pag Titig Sa Mata Ng Bagyo

Thursday, November 30th, 2006

“May dumating na bagyo. pinsala’y dinulot…kami’y nagambala”

(November 30, 2006)

Ako’y nakipagtitigan sa mata ng bagyo

Mga bulong nitong tila sigaw sa taenga ko

Kanyang kalabit ibayong tulak ang naramdaman ko

Itong tulo ng luha nya’y galit ba ang dala nito
Itong titig na taglay ko

Pagsusumamo ang nilalaman nito

Nagmamakaawang wag puminsala

Sa mga inosenteng nairirto

Oh unos wag mo nang ituloy ang balak mo

Kami ay manhid na sa mga dagok mo

Kapayapaan lamang ang hangad ko

Ika’y lumisan ng mapayapa

Malaya kang lumaboy

Iiwan mo na kami

Mga nilalang na gumagalang

Sa kapangyarihan mo

Masayang Bumabati

Tuesday, November 21st, 2006

“Maligayang kaarawan Shie”

(November 22, 2006)

Mukhang binalot ng ngiti

Bagaman buhay na kung minsa’y

Puno ng pighati, puno ng pagsubok

Buhay na may halong tagumpay

Ligayang taglay nasa iyong kamay

Ika’y nanatiling matatag

Walang pag-aalinlangan

Kaya’t sa araw na ito ating gunitain

Ating ipagbunyi

Tayo ay magdiwang

Kami’y masayang bumabati

Maligayang kaarawan aming kaibigan

A Farmer’s land

Tuesday, November 21st, 2006

“we are all farmers in this world… we reap what we sow…sow love and we shall reap love”

(November 21, 2006)

A farmer’s piece of land

A plough broken hand

Furrow the earth

Sweat and toil

So that others may enjoy

Sow the seeds

So that one day it can feed

To these pastures

One must give great care

Nourish their roots

A resilient grip it must endure

A period of long wait must be done

For an absolute sustenance

Only then will a potent harvest be reaped

Like A Kite

Tuesday, November 14th, 2006

“The string of life is short…let’s make the most out of it”

(November 15, 2006)

Like a kite

I almost fly freely to the skies

If not for the string

That holds me strong

In my master’s hand

I will roam

Yes I will wander

To the farthest places

And look at the strangest faces

Go with the flow

Take me where the wind blows

This freedom that was spared

Take a chance in life

This I will dare

And when the setting sun

Decides to shun away

We are pulled back by our strings

Back to our master’s hand

Like a kite

Hope in a Cold Winter’s Frost

Tuesday, November 14th, 2006

“Our troubles do have endings…we just got to have hope”

(November 14, 2006)

Left bare in this winter frost

No shelter from the biting cold

The old autumn leaves have gone

Hidden beneath a blanket of snow

With howling winds that haunt

Push thy soul to a new threshold

In time a new spring of hope to emerge

Up in the heavens look for a sign

A union of colors a bridge they form

Embrace with open arms for her return

The coming of a majestic summer’s blow

Kasama sa Pag-Lakbay

Monday, November 13th, 2006

“Kulang ang akyat kapag kami’y walang dalang alak”

(November 13, 2006)

Mahiwaga ang agimat mong taglay

Malay tao’y lumilisan kapag ika’y abo’t kamay

Ligaya ng diwa’y kailan man ‘di huhupa

Itong bilog na ating mundo, minsa’y mapagbiro

Sa itaas man o sa ibaba, nasaan man ako

Sa aking paglalakbay, ikaw ang kasama ko

Papel De Liha

Thursday, November 9th, 2006

“tigilan ang eskinol pre…”

(November 10, 2006) 

Sa aking pagpasok

Sa masikip na kasilyas

Bumati sa aking paningin

Ang isang banidosong bigotilyo

Masinsinang pinupunasan

Ang balat ng kanyang kaanyuan

Nang ako’y natapos

Sa paglalabas ng aking galit

Ngiti ang bumalot sakin

Sapagkat sa aking pagtingin

Hindi humupa sa pagkikiskis

Ang banidosong bigotilyo’y

Halos maupod na ang balat

Pilit pa din ito sa pagpunas

Walang nangyari, walang nagbago

Sa aking nasilayan

Ang mukhang aking dinantnan

Ay ganon pa rin hanggang

Sa aking paglisan

Lintek Na Gagamba

Wednesday, November 8th, 2006

“di ko na kailangang ipaliwanag pa….”

(November 9, 2006)

Sanay ako sa lakad ng dalawang paa

Kapag nakaririnig ako nito

Minsa’y may halong tuwa

Minan nama’y may halong pangamba

Eh, ano pa kaya kung ang tunog na marinig

Ay galing sa walong paa

Mistulang rebulto ang aking katawan

Kapag ito’y naririyan

Walang bakas ng kahit anong galaw

Kahit hininga’y pumapanaw

Nang Tumunog Ang Kampana

Wednesday, November 8th, 2006

“di mo man gustong mapalayo sa amin…guhit ng iyong palad ay nararapat sundin”

(November 9, 2006)

Nang tumunog ang kampana

Malakas na pag yanig ang gumambala

Ngiting tangan ng inosenteng mukha

Binalot ng poot, luhang ayaw tumila

Nang tumunog ang kampana

Nakabibinging ingay pumalibot sa madla

Nagpahiwatig ng babala

Isang pagsubok sa daa’y nakahambala

Nang tumunog ang kampana

Katawa’y nawalan ng kaluluwa

Buhay na ka’y ganda

Tila nawalan na ng sigla

Nang tumunog ang kampana

Sa iyong paglisan kami’y handa na

Mabigat man sa damdamin

Guhit ng iyong palad ang dapat sundin

Nang tumunog ang kampana

Iyong paalam aming pinakinggan

Bumagsak ang langit

Kami’y tumahimik

Nang tumunog ang kampana

Tinig mong taglay unti-unting nawala

At nang huling tumunog ang kampana

Ika’y lumipad kasama ng hangin

Tinangay papalayo sa amin