Archive for October, 2006

Ang Aking Paraiso

Thursday, October 19th, 2006

“Ang aking mga kaibigan ang aking Paraiso”

(October 19, 2006)

Rumaragasang unos

Walang humpay na pagsubok

Tuloy-tuloy ang agos

Ng sunod-sunod na dagok

Karanasang puno ng pighati

Sa pagitan ng rehas at ng pusong bato

Nakakubli ang sarili

Bihag ng tadhanang mapagbiro

Naulila sa maraming bagay

Sa panahon at pagkakataon

Gustong pumiglas sa kadena ng lungkot

Nais makatakas sa selda ng poot

Pagkatao’y nayagit sa pagka bilanggong ito

Tanging yaman lamang na naipon

Ay ang mga kaluluwang nakasalamuha

Sa nagdaang mga taon

Yamang aking itinago

Yamang pumawi ng pagka-inip na ito

Sa mapang-api na mundong ginagalawan

Itong aking mga tanging yaman

Ang aking paraiso