Liku-likong Kalsada
Sunday, September 10th, 2006“Mahirap umuwi nang naka-inom…J ”
(September 10, 2006)
Ang likot ng kalsada
Sa aking pag-uwi
Ang dating daan na ka’y dali
Ngayo’y pasanin
Sa bawat likong aking pinili
Ang langit ay may putik
Ang putik ay nasa langit
Matang nakapikit
Paninging nagsisinungaling
Lumulutang-lutang
Parang nasa tubig
Talampaka’y tila sa ulap nakadikit
Dalawang paang kung maglakad
Pakiwari ko’y parang apat
Mayroong pakanan
Mayroong pakaliwa
Ang isa’y patimog ang daan
Ang isa nama’y pa hilaga
Sadyang napakahirap
Itong lakad na baliko
Pilit kong itinuwid
Hanggang makarating
Sa tahanang naghihintay sa akin