“Masayang inaabangan ang pag buhos ng ulan”
(June 2, 2006)
Marahil marami sa inyo ay mapaniningkit
Sa ilang mga bagay na aking mababanggit
Maniwala man kayo o hindi, para sa akin
Ang panahon ng tag-init ay napaka pait
At ang panahon ng tag ulan ay
kasing tamis ng isang awit
Sa aking karanasan, marami akong nais kalimutan
Lalo na’t kapag mainit, lungkot ng damdamin
Sana’y parang pawis sa katawan mo’y naaalis
Ngunit kapag ang ulan ay nariyan
Magandang alaala’y aking nasisilayan
Sa panahon ng tag-init ako’y napa-luha
Sa isang karanasang napaka pangit
Dito aking unang narinig sa isang babae
Na sa aki’y wala noong pag-ibig
Ilang ulit sumubok, sa wakas aking nakamit
Habang ang mga patak ng tubig ay
Nagsasayaw sa kasiyahan nang itinapon ng langit
Sa buwan ng hulyo ako’y naka tikim
Sa kanyang labi ang unang matatamis na mga halik
Isang linggong mainit nang si nanay naman
Sa buhay ko ay syang ipinagkait
Nang si apo ay napatalsik, si nanay
Sa America tumungo upang magpalamig
Malakas ang ulan ng sa nana’y nag balik bayan
Sa basang palapag ang eroplano’y lumagapak
Sa malamig na daan maligaya kong inaasam
Ang mga yakap ni nanay na kay tagal kong hinintay
Ang araw ay tirik na tirik noong kami ay nag gradweyt
Ang malaking entablado tila mainit sa dami ng mga taong nananabik
At habang ang diploma sa aking kamay ay dumampi
Damdamin ay puno ng hinagpis sapagkat ilang araw na lamang
Mga kaibiga’y magsisipag-alis, sa ibang bayan bagong buhay ay tatahakin
Ang diyos ay napaka bait kahit na masakit ang aking sinapit
Sa panahong mala luha ang ulan, unang trabaho’y aking nakamtan
Sa kauna-unahang pagkakataon, ang perang galing sa bangko
Ay mula sa pagsisikap, paghihirap ng mga kamay at paa ko
Mula sa pagka bata hanggang sa ako’y nag binata
Ang pait ng tag-init sa akin kusa’y naka dikit
Kahit anong unos na dumating ako’y di nagaalala
Sapagkat hinihintay ko na may dalang ngiti sa aking mga labi
Ang pag buhos ng ulan na kasing tamis ng isang awit